the rape of the Mind

Mina Deocareza. 20. BA Creative Writing. UP Diliman. Writer. Blogger. Student Leader. Academic Tutor. Bitch. Superwoman.         This blog is registered and protected.     MyFreeCopyright.com Registered & Protected
Recent Tweets @roemina
Posts I Like
Who I Follow

online gif maker

Six months na tayo!

Parang kailan lang, kakikilala pa lang natin.

Pinapunta ako ni Sir Choy sa office para isangkot sa isang project. Maaga pa lang naroon na ako at hindi nagtagal, nagdatingan na rin kayo. Nung una pa nga akala niyo intern din ako pero sinabi ko rin naman na writer ako ni Sir. tinanong niyo ng mga kasama niyo kung saan ako nag-aaral. Sabi ko, sa UP Diliman. Napa-wow naman kayo habang ako, okay, keber. Ang sama ko pa nga kasi nung tinanong kita kung saan ka nag-aaral at sumagot ka, ang sabi ko, “sounds familiar pero saan yun?”

Hindi nagtagal, naging seryoso na ang lahat sa project. Naging matindi ang recording para sa mga audio books na ginagawa habang abala ako parati sa pagbabantay (pagcocorrect ng pronunciation, pagpapaulit kung may nalaktawan, etc.) habang kayo namang mga intern, abala sa pag-eedit ng recordings (pag-aalis ng bad cuts, pag-nonormalize ng volume, at paglilinis ng audio). Pero habang sumiseryoso ang trabaho, naging close naman ako sa inyong mga intern.

Naaalala ko pa nga, pag break time, lumalabas ako ng office para tingnan yung magandang view ng Makati sa labas at madalas kitang maabutan na nandoon din hanggang sa di natin namamalayan, nag-uusap na tayo tungkol sa panitikan. Poetry at erotica pa nga yung mga una nating napag-usapan. Natuwa talaga ako nung nalaman ko na pareho tayo in interes kahit pa nung sinabi mong nagsusulat ka rin ng mga tula, sinagot kita ng “oh, really?” At aaminin ko, dahil doon, narealize ko, aha! Pwede ka! Bukod kasi sa nagkakasundo tayo, natuwa rin ako sa geeky look mo. Oo na, plus factor na nakasalamin ka. Tapos, lalo pa akong natuwa kasi mahilig ka ring magkape. Kahit malakas ang ulan, sinasamahan mo ako sa supermarket para bumili ng kape. Ikaw rin ang kasabay ko magkape pag madaling araw.

Hindi ko rin malilimutan yung moment na humirit ka ng sample. Narinig mo pala kasi nung napakanta ako sa cr sa sobrang stress at sabi mo, magaling ako. Super flattered ako kaya kahit na may sipon ako at nahihirapan, kinantahan kita. Parang tanga pa nga kasi yung kanta ay yung “Love Moves in Mysterious Ways” ni Nina. Parang nagbadya na ewan.

Yun nga lang, medyo nagkaroon ng delay ang love story natin. Bigla kasi akong nakipaglandian sa iba…

Buti na lang hindi yun nagwork. Kasi nga, wala naman talagang “spark.” Buti na lang, kahit na anong nangyari, close pa rin tayo. Simula nga nung unang araw na nagtext ka sa akin, hindi mo na ako tinantanan. Hanggang sa feeling ko ikaw na lang yung reason kung bakit may cellphone ako. At kahit na tapos na ang internship mo at ang layo ng bahay mo, bumabalik ka pa rin sa office kasi sabi mo, “gusto mo matuto pa” yun pala iba na ang inaaral mo at ng puso mo.

Hanggang sa yun na nga, naging bahagi na na ng mundo ko. Sanay na akong nandyan ka. At ikaw rin. Ang clingy mo na sa akin, hahaha. Pero ang totoo, may naaamoy na talaga akong something that time. Ayoko lang pangunahan kasi baka mamaya epic fail na naman. Pero eventually, nagkaaminan din.

Hanggang sa yun na nga. Ligawan. Hindi rin naman nagtagal kasi… kasi ganoon eh. Hindi ko na rin pinatagal eh. Fall na fall na ako, ano ba? Ano pa bang kailangang hintayin?

At ngayon, ito na. Six months, like seriously.

Alam ko marami pang mangyayari at gaya nga ng sabi nila, “we can never can tell, lolz.” Pero kahit ganoon, keber. Masaya ako sa’yo. Super. At nagpapasalamat ako kasi, dumating ka sa buhay ko.

Tama na. Sobrang keso na nito. Next time na yung iba tutal sure naman akong marami pa tayong icecelebrate together (and that’s conviction!).

HAPPY MONTHSARY, MHEL. I LOVE YOU. :)

  1. therapeofthemind posted this